Masaya ang mabuhay para sa Lord.... Totoo yan.
Blog ko naman ito di bah? Kaya may karapatan akong magsulat dito ng gusto kong ilagay! Bwahahahaa!!! Walang makakapigil!
Pwera joke, o sige seryoso na po... Masarap at masayang mabuhay na may Panginoon sa buhay mo.
Tinanggap ko si Jesus nung ako'y third year high school, sa Bulacan pa nga ko nakatira nun. Sa isang youth camp ng aming simbahan. Tinanggap ko Siya upang maging Panginoon ng aking buhay at upang maging aking Tagapagligtas. Naluha ako noon, ang message pa nga ay tungkol kay Esau at Jacob, at kung paanong ipinagpalit ni Esau ang kanyang birthright kay Jacob para lamang sa pagkain. (Ang babaw noh? Pero eto talaga ang human nature, pinagpapalit natin ang ating dapat sana'y pagiging anak ng Lord over wordly things... over pleasures that the world can offer... na hindi naman dapat...)
Grabe! Nakakamangha nga kung paanong nangusap sa akin ang preaching na iyon. Kakaiba talaga. Alam nyo yung sinasabi nila na, "before I'm blind but now I can see", parang ganun ang nangyari sa akin. Little by little, things in my life suddenly unfolded before me. It was such an awesome, indescribable encounter of the Lord. I just found myself asking for forgiveness from the Lord because of the sins I have committed . Nasabi ko sa Kanya, Panginoon, hindi ko kayang mabuhay ng wala Ka sa buhay ko, at hindi Ikaw ang may control nito. Napakasarap lumaya sa sarili mong pag co-control sa buhay mo. Ang sarap ng may in charge sa buhay mo. Bawian ka man ng buhay sa lupang katawan, magkakaroon naman ako ng buhay na walang hanggan, hindi na maghihirap, hindi na mapapagod, maligayang magpupuri sa Panginoon magpakailanman.
Nabaptized naman ako sa Taguig Baptist Church, ang aking mahal na mahal na church. May mga mapagmahal na nanay, Matulunging mga tatay, Magaganda at masisipag na youth, mababait na kuya't ate, mga the best na mga pastors! Kaya naman masasabi ko naman talaga na I'm so happy with my church.
Ayun nga lang, kailangan kong pumunta ng ibang bansa for several reasons: career, family, future, and also, it's really my desire to help my church. Nagpapa-renovate ngayon kasi ang TBC at siyempre pa may mga projects ang TBC para sa lalo pang pag-abot sa mga unchurched. Napakagagandang mga plano na gusto ka sanang maging bahagi... Kaya andito ngayon ang inyong chubby blog author sa Dubai.
Sa work ko ngayon as Marketing and Sales Coordinator cum Secretary cum Receptionist cum All around assistant ng isang nagpapasimula pa lamang na TV Station, kinikilala ko pang lalo ang sarili ko at ang Lord.
May ka-officemate akong M. (Sa mga kapatiran, lam nyo na ang M di ba? Isa sila sa ating mga inaabot para sa Panginoon.)Pinapanalangin ko nga na sana ma-win ko ang ka-oofficemate kong ito. Ang totoo pa nga nyan, sort of nag wiwitness rin siya sa akin. Ang gara noh? (Parang nakaka-challenge nga eh. Kasi ngayon, talagang nag-dedevotion na ko at nag-aaral ng matindi, una para makilala pa ng lubusan si Jesus, at syempre, para naman ma-win kay Lord ang ka-officemate kong ito. Prayer request ko po ito.)
Hehehe... Well, I keep all the progress posted here in my blog.
Pano? Till next post! See yah!
No comments:
Post a Comment