shall i say goodye for a while?
Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y wala sa aking piling
Isang magandang alaala
Isang Kahapong lagi kong kasama
Literatura ang unang pag-ibig ko... natatandaan ko ng anim o pitong taong gulang lamang ako ng nagsimula akong mahumaling sa mga maikling kuwento na kinasasabiklan kong basahin mula sa mga libro ng nakakatanda kong kapatid… tuwing hapon, hindi ako matatagpuan na kasama ng aking mga pinsan sa labas ng bahay na naglalaro ng lutu-lutuan o ng manikang dinadamitan ng mga makukulay at magagarang kasuotan. Madalas, andun ako, sa nasa pinakamataas na baitang ng hagdanan sa bahay ng aking lola. Nagbabasa ng Walong Taong Gulang o ng Ang Kuwento ni Mabuti… Mas makulay kasi ang buhay nila. Mas masaya. Dinadala ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan at ipanapakilala sa mga taong hindi ko pa nakakasalamuha.Ang mga libro ang aking naging kanlungan ko sa oras na hindi ko maintindhan ang mga tao sa paligid ko… Sila ang nagturo sa akin ng mga bagay na hindi ko maunawaan… Umibig ako sa mga kuwento nila, nakiiyak sa mga tauhan, nakidalamhati sa kabiguan ng mga ito, napangiti sa kanilang mga natamong tagumpay at nakihalakhak sa bagay na kaaliw-aliw… Ang mga libro at mga kuwento ang aking naging kakampi… walang ibig makisalamuha sa mundo ko…
Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y di ko dapat ibigin
Dapat ba kitang limutin
Pa'no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin
Isang kontes ang sinalihan ko nung nasa grade five ako, at nanalo ako sa isang paligsahan ng pagsusulat ng sanaysay. Pwede naman pala akong magsulat. Kaya ko pala. Pwede naman rin pala akong magkwento bakit hindi ko ito ginawa noon pa? Ngunit, lagi na lamang akong nawawala sa landas na gusto kong puntahan… lagi akong iminumuwestra ng mga kamay na malayo sa mga pangarap ko… Gawin mo ang mga ito… gawin mo ang mga iyan… Hindi ganyan kundi ganito… Mali ka… Tama ako… tama kami… Hindi ako naging malaya sa pagpapasya, ni hindi ko nalaman kung paano magpasya sa kung ano ba talaga ang gusto kong gawin, kaya marahil hanggang ngayon nagduda pa rin ako sa sarili ko… hanggang ngayon, dinadalaw ako ng aking hindi pagiging sigurado sa mga bagay na gusto ko o ayaw ko… Nagtapos ako ng elementarya ng may medalya sa ibang mga larangan ngunit mga istorya at kwento pa rin ang nasa isip ko… Tumuntong ako ng high school, napuno na naman ako ng pagdududa… sa sarili ko… sa kung anong magagawa ko… sa kung anong maari kong marating… kung makakapagsulat pa ba ako… nagsusulat pa rin ako… ngunit muli… kahit ito ang gustong gusto ko… naligaw na naman ako ng mga maling pagpapasya… tinigil ko na ang pagbabasa… tinigil ko ang pagsusulat… itinapon ang mga ito… kahit alam kong ito ang buhay ko… inisip ko… hindi naman ako magaling sa pagsusulat… disin sana’y kasama ako sa mga school papers noon… nagsusulat ng artikulo… nagsusulat ng sanaysay o ng editoryal o ng mga kaganapan sa aming school… pero hindi naman ako pumapasa sa mga pagsusulit para makasama ang mga pinakamahuhusay… hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan… marahil… hindi naman talaga ako para sa pagsusulat… ni hindi ako nararapat humawak ng kahit anong panulat… hindi ako nararapat tawaging manunulat… Tinapon ko ang pangarap ko… kahit ang mga literatura ang isinisigaw ng isip at puso ko…
At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin
Matagal ko nang ibig na kumatha ng mga kuwentong bunga ng aking mga pangarap... at mga kabiguan... Pero sa tuwina… bakit puro hinanakit na lang ang nararanasan ko kapag pinipilit kong gawin iyon...
Sabi ng mga batikang manunulat na sina
Ikaw ang lahat sa akin
Sa Maykapal aking dinadalangin
Dapat ba kitang limutin
Pa'no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin
At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Hanggang matapos ang kaylan pa man
Bukas na walang haggan
Doo'y maghihintay pa rin
Pano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin
No comments:
Post a Comment